RSS | Archive | Random

About

shyshy

Following

27 September 09

Classes Suspended

Klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at Rizal bukas, suspendido

Suspendido na ang klase bukas sa lahat ng antas sa buong Metro Manila at ilang bahagi ng Rizal dahil sa paghagupit ng bagyong Ondoy.

Batay sa ipinalabas na Executive Order ni Pangulong Arroyo, kanselado ang klase bukas sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan sa Metro Manila at  Rizal.

Nauna na ring inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) na kanselado na ang lahat ng klase sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong Region 4A.

Sinabi naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro sa panayam ng DZMM Teleradyo na ipinauubaya na sa mga provincial governor ang pagdedesisyon kung magsususpinde ng klase sa kanilang lugar.

link:http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/5735/Default.aspx

Themed by Hunson. Originally by Josh